“EL Presidente”
Ang
penilikulang EL Presidente ay sumasalamin sa kasaysayan ng ating bansa. Na kung
saan matutuklasan natin ang sakripisyo ng bawat tao kung paano sila
nakipaglaban at nag buwis ng buhay para lang makamit ang minimithing kalayaan. Mapapanuod
din nating at malalaman kung paano inuna ng ating mga bayani ang bansa bago ang
sarili nilang kapakanan. Makikita natin ang pagmamahal ng bawat isa sa ating
Inang Bayan.
Bago
ko panuorin ang EL Presidente alam ko na sa sarili ko na makikita ko at
maririnig ko yung mga paghihirap at pag sasakripisyo nila sa ating bansa. Kung
paano ba namuno ang mga nakakataas nung unang panahon. Ngayon ko lang din
napagtanto na maraming pangyayari sa nakarran na ngayon ay problema pa din ng
kasalukuyan. Pangarap ng bawat tao ngayon kahit sa ibang bansa na magkaroon ng
kapayapaan sa isang bansa at kalapit bayan na magakaroon ng malinis at marangal
na halalan na walang halong pandaraya. Hangarin ng mga tao na magkaroon ng
isang tapat masipag, responsable at matapang na pinuno ng isang bansa.
Pinuno na kayang pasunurin ang nasasakupan.
Pagkasunduin ang mga may alitan na
partido para maiwasan ang magulong bansa. Magkaroon ng pantay at patas na
pagtrato sa mamamayan mahirap man o mayaman. Pantay na hustisya sa mata ng batas
mga taong gagamitin ang kapangyarihan para makatulong sa iba at hindi para sa
pansariling kapakanan lamang. Mga taong ihahalal para maglingkod ng tapat at
marangal sa tao.
Nung natapos ko na mapanuod yung EL Presidente
napagtanto ko na grabe pala talaga yung pagmamahal ng isang Pilipino para sa
kanyang bansa. Kahit mismong buhay iaalay para lang hindi maapakan ng iba. Sana
lahat tayo pahalagahan lahat ng tao na
lumalaban at nangangalaga ng kapakanan ng bansa. Salamat sa mga taong kayang
iaalay at ibuwis ang buhay maprotektahan lamang ang ating Inang Bayan.
MARAMIMG SALAMAT :)