Martes, Marso 10, 2015

EL PRESIDENTE

“EL Presidente”








Ang penilikulang EL Presidente ay sumasalamin sa kasaysayan ng ating bansa. Na kung saan matutuklasan natin ang sakripisyo ng bawat tao kung paano sila nakipaglaban at nag buwis ng buhay para lang makamit ang minimithing kalayaan. Mapapanuod din nating at malalaman kung paano inuna ng ating mga bayani ang bansa bago ang sarili nilang kapakanan. Makikita natin ang pagmamahal ng bawat isa sa ating Inang Bayan.

Bago ko panuorin ang EL Presidente alam ko na sa sarili ko na makikita ko at maririnig ko yung mga paghihirap at pag sasakripisyo nila sa ating bansa. Kung paano ba namuno ang mga nakakataas nung unang panahon. Ngayon ko lang din napagtanto na maraming pangyayari sa nakarran na ngayon ay problema pa din ng kasalukuyan. Pangarap ng bawat tao ngayon kahit sa ibang bansa na magkaroon ng kapayapaan sa isang bansa at kalapit bayan na magakaroon ng malinis at marangal na halalan na walang halong pandaraya. Hangarin ng mga tao na magkaroon ng isang tapat masipag, responsable at matapang na pinuno ng isang bansa.

 Pinuno na kayang pasunurin ang nasasakupan. Pagkasunduin ang  mga may alitan na partido para maiwasan ang magulong bansa. Magkaroon ng pantay at patas na pagtrato sa mamamayan mahirap man o mayaman. Pantay na hustisya sa mata ng batas mga taong gagamitin ang kapangyarihan para makatulong sa iba at hindi para sa pansariling kapakanan lamang. Mga taong ihahalal para maglingkod ng tapat at marangal sa tao.

 Nung natapos ko na mapanuod yung EL Presidente napagtanto ko na grabe pala talaga yung pagmamahal ng isang Pilipino para sa kanyang bansa. Kahit mismong buhay iaalay para lang hindi maapakan ng iba. Sana lahat tayo  pahalagahan lahat ng tao na lumalaban at nangangalaga ng kapakanan ng bansa. Salamat sa mga taong kayang iaalay at ibuwis ang buhay maprotektahan lamang ang ating Inang Bayan.



MARAMIMG SALAMAT :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento